
Nanganganib na ang kontrata ng Siquijor Island Power Corporation (SIPCOR) kasunod ng krisis sa power supply sa Siquijor.
Ayon kay Pangulong Marcos, nagpapatuloy ang pagrebyu ng pamahalaan sa kontrata ng nasabing power provider.
Kung makikita nilang hindi sumusunod ang isang power provider company ay posibleng ipawalang bisa ng gobyerno ang nasabing kontrata.
Gayunpaman, sinabi ng pangulo na sa nangyari sa Siquijor ay nakialam na ang pamahalaan para tugunan ang problema sa kuryente na naging pahirap sa buhay ng mga residente doon.
Giit ng pangulo sa mga ganitong sitwasyon aniya, ang una niyang iniisip ay ayusin muna ang problema at hindi magtuturuan kung sino ang dapat na sisihin.
Kapag naayos na ang problema saka hahabulin ang mga nasa likod ng hindi magandang serbisyo.









