Pagsuspinde ng EDSA rehab, hindi pinagsisisihan ni PBBM

Hindi pinagsisihan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kaniyang naging desisyon na pansamantalang suspendihin ang EDSA rehabilitation.

Ayon sa pangulo, hindi kaya ng kaniyang kalooban na makita ang pagdurusa ng mga tao sa loob ng dalawang taon.

Hindi aniya pwedeng dagdagan ang pahirap sa mga ordinaryong tao na gigising ng madaling araw para lamang makapasok sa trabaho nang maaga at aabutin din ng hatinggabi bago makauwi dahil sa trapik.

Ito aniya ang dahilan kung bakit dapat pag-aralan munang mabuti kung ano ang pinakamabilis na paraan para maisaayos ang EDSA nang hindi magdudulot ng malaking abala.

Naniniwala ang pangulo na kakayanin namang maayos ang EDSA sa mas maikling panahon lamang at hindi magiging pabigat sa mga motorista.

Facebook Comments