Kontribusyon ng turismo sa GDP ng Pilipinas, bumaba sa 5.4% nitong 2020

Bumaba sa 5.4% ang kontribusyon ng Department of Tourism (DOT) sa Gross Domestic Product (GDP) ng bansa nitong 2020.

Batay sa datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA), bumaba ito ng 64.2% o P973.3 billion mula P2.5 trillion noong 2019 bunsod ng epekto ng COVID-19 pandemic.

Samantala, bumaba rin ang internal tourism expenditure sa 81.6% mula P3.7 trillion noong 2019 na naging P689.5 billion nitong nakaraang taon.


Facebook Comments