Kooperatiba sa Cagayan, Pinakaunang Agent Banking Partner ng Landbank

Cauayan City, Isabela – Kasabay ng isinagawang Financial Inclusion Caravan ng Landbank of the Philippines ay ang pagkakaroon nito ng kauna unahang Agent Banking Partner sa Lalawigan ng Cagayan.

Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ginoong Romeo Simeon ang pinuno ng Sto Niño Credit and Development Cooperative at siya ring Municipal Planning Development Coordinator ng Sto Nino Cagayan ay kanyang sinabi ang kanilang tuwa sa ibinigay na tiwala ng bangko sa kanilang kooperatiba.

Ang Agent Banking System ay isang pamamaraan ng Landbank upang makipag-ugnayan sa mga kooperatiba, asosasyon, SME’s at maging piling mga indibidwal upang magsilbing kinatawan ng bangko sa mga liblib na lugar.


Ayon kay Ginoong Simeon, ang Sto Niño, Credit and Development Cooperative ang pinaka unang Agent Banking Partner ng Landbank sa buong Pilipinas.

Ayon naman sa CEO ng Lanbank na si Cecila Borromeo ay nakatakda din silang makipag konekta sa walo pang mga Agent Banking Partners para mas lalong dadami ang kanilang kliente. Idinagdag pa niya na sa pamamagitan ng sistemang ito ay hindi na kinakailangang magtungo papuntang bayan upang maglabas ng pera, magdeposito o gumawa ng anumang transaksiyon sa bangko ang mga magiging kasapi nito.

Ang pagtungo ng Landbank sa sto Nino Cagayan noong Setyembre 7, 2019 ay siyang una sa mga pupuntahan pa nilang mga lugar ng Rizal, Palawan; Libacao, Aklan; Aloguinsan, Cebu; Las Nieves, Agusan del Norte; Mayantoc, Tarlac; Claveria, Misamis Oriental at Panukulan, Polilio Islands sa mga susunod na buwan.

Malugod namang sinalubong ng lokal na pamahalaang ng Sto Nino, Cagayan ang Financial Inclusion Caravan ng Landbank sa pamamagitan ni Mayor Vincent G. Pagurayan sa isinagawang programa sa Sto Niño Municipal Gym sa naturan ding petsa.

Sa ginawang FI caravan ay nagkaroon ng mahigit 500 na mga indibidwal na kabilang sa sektor magsasaka ang nagbukas ng kanilang Agent Banking Accounts.

Facebook Comments