Koponan ni City Mayor Diaz, Wagi sa Basketball sa Sports Fest ng LGU Ilagan!

*Cauayan City, Isabela- *Sa unang araw ay nagpakitang gilas na ang mga manlalaro ng Mayor’s Office team na kulay pula matapos na maipanalo ang kanilang koponan sa basketball sa isinasagawang “Sports Fest” ng Lungsod ng Ilagan.

Sa pangunguna ni Mayor Jay Diaz sa Mayor’s Office team ay halos natambakan nila ang kanilang katunggali na Vice Mayor Office na pinangunahan naman ng kanyang anak na si SP Jay Eveson Diaz.

Tinapos ng mayor’s office sa score na 87 kontra sa koponan ng vice mayor office na 68 points.


Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ginoong Ricky Laggui, GSO bilang lider ng Blue team, ito’y bahagi ng kanilang pakikiisa sa isang linggong selebrasyon ng Civil Service Commision month.

Aniya, ang naturang ‘Sports Fest’ ay isang friendship game ng mga empleyado ng Local Government Unit ng Lungsod ng Ilagan.

Paghahandaan ngayon ng mayors office na makakasagupa ang ilan pang team ng bawat departamento ng nasabing LGU na magpapatuloy ngayong araw hanggang sa Sabado.

Facebook Comments