Korean fugitives, arestado sa telecommunications fraud sa Maynila

Arestado ang tatlong puganteng Korean nationals na sinasabing sangkot sa telecommunications fraud.

Kinilala ang tatlong mga Koreano na sina Lim Yeongjun, Kwom Hyeoksoo at Sim Dong Woo.

Ayon sa Immigration Bureau, overstaying din sa bansa ang tatlo at kabilang sa red notice ng International Criminal Police Organization ( Interpol).


Kinansela na rin ng Korean Government ang kanilang mga pasaporte.

Ayon sa Bureau of Immigration, hindi pa maaaring i-deport ang naturang mga Koreano dahil kailangan muna nilang harapin ang kasong paglabag sa Anti-Cybercrime Law at paglabag sa Access Device Regulation Act.

Sinasabing dahil sa phishing activities ng mga ito, nakatangay na sila ng 80 million won o mahigit $67,000 mula sa kanilang mga naging biktima.

Facebook Comments