Korean Girl group na Momoland, bibisita sa Pilipinas

Kinumpirma ng Korean girl group na Momoland na darating sila sa Pilipinas sa August 18 para makita nang personal ang kanilang mga Pinoy fans.

Ang Momoland ay mas kilala sa kanilang international hit na “Boom Boom” na sinayaw ng maraming Pinoy at nag-viral pa sa social media.

Sa isang live video, sinabi ni Nancy na matagal na nilang gustong mag-perform sa Pilipinas lalo at kanilang nabalitaan na sikat na sikat ang kanilang sayaw sa mga Pilipino.


Kasabay nito, umaasa si Nancy na mabigyan siya ng pagkakataon na makita sa Pilipinas si Liza Soberano na sinasabing kahawig niya.

Facebook Comments