PBA | TNT KaTropa wagi kontra Meralco Bolts; 91-85

Manila, Philippines – Nanalo pa rin ang TNT kaTropa kontra Meralco Bolts kahit na hindi nakalaro sa huling quarter ang kanilang import na si Joshua Smith sa score na 91-85.

Nanguna sa TNT si Troy Rosario na nakapagtala ng 30 points habang mayroong 20 points si Jayson Castro at 11 points si Jericho Cruz.

Itinakbo naman sa pagamutan si Smith matapos aksidenteng masiko sa mukha ni Arinze Onuaku.


Dahil sa panalo ay naitabla ng TNT sa 7-3 win-loss record nila sa Bolts.

Facebook Comments