Manila, Philippines – Nagpakamatay ang isang Korean national sa loob ng kanyang tinutuluyang condominium sa Barangay Ususan, Taguig City.
Kinilala ang dayuhan na si Hwan Chul Jung, 52-anyos.
Sa ulat, nadatnan na lamang na wala nang buhay ang biktima ng kanyang live-in partner na si Jennylyn Concepcion, 28-anyos.
Dahil sa insidente ay kaagad niyang tinawag ang nakatalagang guwardya para humingi ng tulong.
Inaalam na rin kung may kinalaman sa negosyo ang sanhi nang pagpapatiwakal nito.
Facebook Comments