Korean travel writer natagpuan patay sa Antipolo City

Natagpuan ang bangkay ng isang Koreano na hinihinalang biktima ng summary execution sa Antipolo City noong nakaraang linggo.

Ayon kay Lt. Col. Villaflor Bannawagan, hepe ng Antipolo City Police, kinilala ang biktimang si Joo Yeong-Wook, 57 anyos.

Si Joo ay sikat na manunulat at may-ari ng isang travel agency sa South Korea.


Ayon kay Bannawagan, natagpuan ang katawan ng banyaga sa madilim at abandonadong lugar sa Taktak Road, Barangay Dela Paz. Nagtamo ito ng tama sa ulo at tinali ang kamay gamit ang duct tape. Binusalan din ang bibig ng dayuhan.

Madalas umano’y pumunta si Joo sa Pilipinas.

Dagdag pa ng, dumating ito sa bansa noong Biyernes, Hunyo 14 at nag check-in sa isang hotel sa Makati City. Bago mangyari ang karumal-dumal na krimen, nagpunta ito sa Valley Golf & Country Club.

Hinala ng pulisya, tinapon ang labi ni Joo noong madaling araw ng Hunyo 16 at naiulat sa kanila ito bandang alas-7 ng umaga.

Iniimbestigahan pa din sa ngayon ang motibo sa pagpatay ng negosyanteng Koreano.

Facebook Comments