Manila, Philippines – Arestado ang isang koreano matapos na makuhaan ng mga baril at pampasabog .
Nang magsagawa ng pagsalakay ang mga tauhan ng PNP CIDG Anti Transnational Crime Unit ( ATCU) sa isang island resort sa Barangay Wawa Nasugbu Batangas.
Kinilala ang naarestong koreano na si Song Jiman Alyas Steve Song may asawa at may ari umano ng fortune island resort na matatagpuan sa naturang barangay.
Ayon kay PNP CIDG ATCU Chief, Supt Roque Merdeguia alas 11:39 ng gabi kagabi ng salakayin ng mga tauhan ng CIDG ATCU ang resort kung nakatira ang suspek bitbit ang search warrant na inisyu ng Regional Trial Court ng San Pablo City Laguna.
Sa pagsalakay nakuha sa suspek ang isang colt 45 kalibreng baril, mga bala, isang hand grenade, at isang high-voltage portable electric taser.
Nagresulta ang operasyon matapos na makatanggap ang CIDG ng impormasyon na si Song Jiman ay mayroon baril at nanunutok sa mga residente at maging mga turista sa lugar.
Sa ngayon nakakulong sa CIDG ATCU at nahaharap sa mga kasong paglabag sa RA 10591 (illegal possession of firearms) at RA 9516( illegal possession of explosives.