Korte Suprema, may desisyon na sa isyu ng kinatawan ng mga magsasaka sa Kongreso

Nagpalabas ang Korte Suprema ng Status Quo Ante Order na nag-uutos sa Commission on Elections (COMELEC) na ihinto ang proklamasyon kay Roberto Gerard Nazal Jr., bilang kinatawan ng Magsasaka Party-List.

Ito ay makaraang pagbigyan ang petisyon ni Magsasaka Party-list Sec. Gen. Atty. General Du, na kumukwestyon sa Sept. 14, 2022 proclamation ng National Board of Canvassers o NBOC pabor kay Nazal.

Ang Status Quo Ante Order ng Korte Suprema ay epektibo sa lalong madaling panahon, kung saan inatasan ang lahat ng partido na panatilihin ang dating estado bago iprinoklama ng NBOC si Nazal bilang kinatawan ng Magsasaka Party-list.


Inatasan din ng Supreme Court ang mga respondent na maghain ng komento sa petisyon sa loob ng 10-araw.

Dahil dito, mananatili bilang kinatawan ng Magsasaka Party-List si Atty. Argel Cabatbat na unang iprinoklama ng COMELEC.

Facebook Comments