Raffle sa drug case ng anak ni DOJ Sec. Remulla, naudlot

Hindi natuloy ang raffle sa Las Piñas City Regional Trial Court (RTC) sa illegal drug case ng anak ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla na si Juanito Jose Remulla III.

Kaninang umaga sana ang schedule ng raffle dahil kada Huwebes ang regular schedule ng pag-raffle sa mga kaso sa korte sa Las Piñas.

Pero ayon sa Clerk of Court ng Las Piñas RTC, nataon na mayroong convention ang mga hukom ngayong araw.


Kinumpirma rin ito ni Atty. Jennah Marie dela Cruz, Prosecutor Attorney ng Las Piñas City Prosecutor’s Office.

Sinabi pa ng Clerk of Court na hindi lang ang raffle sa kaso ng batang Remulla ang naipagpaliban kanina kung hindi maging ang raffle sa iba pang kaso.

Inaasahang matutuloy ang raffle sa susunod na Huwebes – October 27, 2022.

Facebook Comments