Umano’y mastermind sa Percy Lapid killing, tukoy na ng PNP

May hawak ng impormasyon ang Philippine National Police (PNP) hinggil sa pagkakakilanlan ng utak sa pagpatay sa beteranong mamamahayag na si Percy Lapid.

Ayon kay PNP Officer-in-Charge (OIC) Police Lt. Gen. Rhodel Sermonia, tukoy na nila kung sino ang mastermind sa krimen pero hindi pa nila ito maaaring isiwalat.

Paliwanag ni Sermonia nagpapatuloy pa kasi ang imbestigasyon ng kapulisan kung kaya’t nananatili silang tikom ang bibig.


Sinabi pa nito na bagama’t ikinanta na nang sumukong gunman na si Joel Escorial ang umano’y mastermind sa krimen ay hindi parin nila ito inililipat ng kostodiya.

Aniya, maliban sa kailangan pa ng kautusan mula sa korte ay nais muna nilang matukoy kung ito nga ba talaga ang mastermind o naging middleman lamang.

Sa ngayon nananatiling nasa kostodiya ng Special Investigation Task Group Lapid ang sumukong gunman na si Escorial.

Facebook Comments