Manila, Philippines- Nilinaw ng Supreme Court na hindi pa nito pinalilipat ang pagdinig at paglilitis sa mga kaso na may kaugnayan sa Maute Group sa Taguig Regional Trial Court, taliwas sa sinabi ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre kaninang umaga.
Paglilinaw ni SC Spokesman Atty. Theodore Te – hindi pa binabawi ng Supreme Court en banc ang nauna nitong utos na ilipat mula Marawi RTC sa Cagayan De Oro RTC ang paglilitis sa mga maute cases kaugnay ng Marawi Seige.
Ayon pa kay te, hindi naman pwedeng si Chief Justice Ma. Lourdes Sereno lang ang magbaliktad ng naunang desisyon dahil en banc ang naglabas nito.
Bukas (June 20) ay naka-agenda sa SC en banc ang Motion for Reconsideration (MR) na inihain ni Aguirre.
Una rito, hiniling ni Sereno kay Aguirre na magsumite ito ng supplemental letter sa kanyang MR.