Korte Suprema, pumabor sa kahilingan na makunan ng testimonya sa kulungan sa Indonesia si Mary Jane Veloso

Binaligtad ng Korte Suprema ang desisyon ng Court of Appeals (CA) na nagbabawal sa Pinay OFW na si Mary Jane Veloso na magbigay ng kanyang testimonya mula sa kanyang kulungan sa Indonesia.

Sa inilabas na desisyon ng Supreme Court, pinahintulutan nito ang pagkuha ng testimonya ng convicted drug mule na si Veloso laban sa mga recruiter nito.

Sa desisyon ng Supreme Court, granted ang petition for review sa certiorari ni Veloso sa Rules number 45 ng Rules of Court at binaligtad ang December 13, 2017 decision ng Appellate Court.


Si Veloso ay nauna nang nahulihan ng iligal na droga sa kanyang bagahe sa Yogtakarta International Airport ng 2.5 kilograms ng heroin.

Kinatigan ng Korte Suprema ang naunang ruling ng Nueva Ecija Regional Trial Court, Branch 88 na nagpahintulot na isama ang mga testimonya ni Mary Jane sa Indonesia laban sa kanyang mga recruiter.

Ayon sa SC ang pagbabawal na makuhanan ng testimonya si Mary Jane ay maituturing na pagkakait sa kanya ng due process.

Facebook Comments