Friday, February 13, 2026

Korte Suprema, walang inilabas na TRO sa petisyon ni Zaldy Co kaugnay sa resolusyon ng Ombudsman na pakasuhan siya sa flood control anomaly

Hindi naglabas ng temporary restraining order (TRO) ang Korte Suprema kaugnay sa hiling ni dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co na ipawalang bisa ang resolusyon ng Office of the Ombudsman na nagrekomendang sampahan siya ng kaso kaugnay sa flood control anomaly.

Sa kabila nito, pinagkokomento ng Kataas-taasang Hukuman si Ombudsman Jesus Crispin Remulla at ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) na respondents sa petisyon ni Co.

Kinuwestiyon ng dating kongresista ang resolusyon ng Ombudsman na nakitaan ng probable cause para kasuhan si Co at iba pa ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Malversation of Public Funds.

Batay sa petition for certoriari, iginiit ni Co na binalewala ng Ombudsman ang findings ng ICI kaugnay sa pagiging beneficial owner lamang niya ng Sunwest Corporation na sangkot sa mga maanomalyang proyekto.

Hindi aniya sapat ang findings ng ICI para pakasuhan at ma-convict dahil lamang dito.

Inihan ni Co ang petisyon at personal na pinanumpaan sa notaryo sa Stockholm, Sweden noong January 15.

Sa ngayon, itinuturing na bilang pugante si Co matapos ideklara ng Sandiganbayan.

Facebook Comments