KOTONG COPS | 3 pulis na arestado sa pangongotong sa Valenzuela, kinasuhan sa DOJ

Inihain na ng PNP-CITF Counter Intelligence Task Force ang kasong robbery laban sa ilang pulis-Valenzuela.

Kabilang sa mga kinasuhan sina SPO4 Serafin Adante ng Valenzuela Police PCP 8 Deputy Commander, PO1 Ryand Paul Antimaro, Rey Harvey Florano at sibilyang si Amado Baldong Jr.

Sabit din sa kaso si PCP 8 Commander Adonis Paul Escamillan na hindi kasama sa mga nahuli ng PNP CITF.


Base ito sa reklamo ng may-ari ng junk shop na si Danilo Balar na kinokolektahan daw ng mga pulis ng dalawang daan hanggang limang daang piso.

Sinabi ni Assistant State Prosecutor Loverhette Jeffrey Villordon na hindi na nagsumite ng counter-affidavit ang mga suspek kayat mabilis na mai-aakyat ang kaso sa korte.

Facebook Comments