Kotse, Nag-attempt Mag-Overtake(???) sa Isang Van sa Tulay (Mabolo Bridge), Sumimplang, Tumihaya Kagabi; 2 Sakay, Ligtas

Isang kotseng Toyota na may Plate Number THR 672 ang sumimplang sa isang dulo ng Mabolo Bridge sa Naga City.
Naganap ang insidente kagabi, mga 40 minutos makalampas ang alas 12 ng hating-gabi.
Ayon sa mga nakasaksi at rumespondi, medyo mabilis umano ang takbo ng naaksidenteng kotse. Biglang kumabig pakanan at tumama sa gilid ng tulay ang unahang (driver’s) bahagi ng nabanggit na kotse na nagresulta sa pagsimplang nito patihaya ilang metro makalampas sa Mabolo Bridge.
May mga nagkwento rin na ang nasabing kotse ay sumubok mag-overtake sa isang VAN na nasa unahan nito. Sa pagsikap maka-overtake, kumabig pakaliwa ang driver ng kotse at inabot nito ang may isang talampakan taas na gilid ng tulay gilid ng tulay at sa bilis ng takbo nito ay sumimplang patihaya ang sasakyan.
Nasaktan sa nasabing insidente ang dalawang lulan ng sasakyan na kinabibilangan ng driver at kasama nito na parehong mga kalalakihan at tinatayang nasa edad 30.
Agad namang dumating ang isang ambulansiya at mabilisang dinala ng rescue team ang mga biktima sa Bicol Medical Center para malapatan ng lunas.
Ayon sa report, ang kotse ay mula sa Lucena City at patungong Naga City.
May mga kargang kagamitan na na-recover ang mga nagrescue tulad ng 2 pirasong medium sized sound boxes, bag na may mga kagamitan, perang nagkakahala ng 161 pesos.
Sa pahayag ni Brgy. Mabolo Tanod Nestor Amaro, Jr. na isa sa mga agad na nagresponde, kasalukuyan silang nagbabantay sa animal check point sa kabilang bahagi ng tulay nang may marinig silang “lagabog” sa unahan. Agad silang tumakbo para alamin kung ano ang nangyari at nakita na lang nila ang kotseng nakatihaya.
Kaagad silang tumawag ng rescue at ligtas namang nakalabas sa kotse ang dalawang sakay nito na agad namang mdinala sa BMC ng rumesponding ambulansiya.
Dumating din sa lugar ang dalawang firetruck ng BFP. Hinila ng Firetruck ang kotse pagilid ng kalsada upang maiwasan na magka-traffic sa lugar; samantalang nagsagawa naman ng flushing ang isa pang firetruck upang maalis ang nagkalat na basag na salamin galing sa naaksidenteng kotse.
Silbing aral sa pangyayaring ito, para sa lahat ng nagmamaneho, huwag sanang magpatakbo ng mabilis sa tulay, mas lalong higit, MALI AT BAWAL na mag-overtake kung nasa tulay.
credit: details – Ding San Luis, Jr., Nestor Amaro, Jr. credit: photos fb of Nestor Noel G. Peñas




Facebook Comments