Krimen sa Maynila, bumababa dahil sa 25/7 operation ng MPD

Ipinagmalaki ng pamunuan ng Manila Police District (MPD) na unti-unti ng bumababa ang antas ng krimen sa lungsod ng Maynila.

Ito’y dahil sa 24/7 na operation na ipinapatupad mula sa mismong headquarters ng MPD hanggang sa lahat ng police at sub-stations.

Ayon kay MPD Dir. Police Brig. Gen. Andre Dizon, patuloy ang pagpapa-igting ng kanilang police patrol operations kung saan nag-iikot ang mga bike patrol sa umaga habang motorcycle unit naman sa gabi.


Bukod dito, nag-iikot rin si Dizon sa mga police at sub-stations upang malaman ang mga kalagayan nito at maging ang mga nakatalagang personnel para matiyak na nagagampanan ang kanilang tungkulin.

Isa sa layunin ng opisyal ay ipagpatuloy ang kaniyang mga nailatag na programa para pabilisin pa ang pagtugon at maagap na akayon sa anumang insidente o krimen sa Maynila.

Bukod dito, nais rin masiguro ni Dizon na ang buong personnel ng MPD ay nakaantabay ng 24/7 para sa kaligtasan ng publiko sa buong lungsod ng Maynila.

Facebook Comments