Pamunuan ng PNR, aminadong malaki ang inilugi sa kanilang operasyon matapos magkaaberya ang isa sa mga tren noong Martes

Aminado ang pamunuan ng Philippine National Railways (PNR) na malaki ang inilugi sa kanilang operasyon matapos ang pagkakabalahaw ng isa sa mga tren nito sa pagitan ng Dela Rosa at EDSA stations noong Martes.

Ayon kay PNR Operations Manager Jo Jeronimo, sa kasagsagan ng limitadong operasyon kahapon, nakapagtala sila ng 13,000 na pasahero na naapektuhan.

Sa ngayon kasi, tumatakbo lamang ang tren mula Governor Pascual Station sa Malabon City patungong Tutuban sa Tondo, Maynila at mula sa Tutuban patungo namang Dela Rosa Station sa Makati City.


Gayundin ay may biyahe sila mula sa EDSA station patungong Alabang sa Muntinlupa City o vice versa.

Facebook Comments