Cauayan City, Isabela – Naitalang insidente ng karahasan sa rehiyon, mas mababa umano kumapara sa nakaraang taon base sa pinakahuling report ng PNP Region 2.
Ito ang ibinahagi ni PSSUPT Renato B. Mallonga ng Regional Investigation and Detection Management Division ng PNP Regional Office 2 sa kanyang presentasyon kahapon Disyembre 21, 2017 sa 4th Quarter Regional Peace and Order Council (RPOC) Meeting na ginanap sa Cauayan City, Isabela.
Batay sa rekord ng PNP RO2, simula Enero 1 – Disyembre 18, 2017, mula sa dating bilang na 16,679 noong taong 2016, bumaba sa 13,400 ang kabuuang bilang ng insidente ng karahasan ngayong taon.
Sa talaan ng index crimes, physical injury ang may pinakamataas na bilang na naitala (1,480 kaso), na sinundan naman ng mga kaso ng pagnanakaw (515 kaso).
Para sa mga non-index crimes, vehicular accidents ang may pinakamalaking kontribusyon sa bilang ng insidente (5,990 reported incidents).
Naging matagumpay din umano ang PNP sa kanilang kampanya sa illegal logging ngayong taon sa pagkakahuli ng 39 na katao at pagkakumpiska ng 11,875.31 board feet na ilegal na kahoy mula Hulyo 1 – Setyembre 30, 2017.
Huli din sa kanilang operasyon laban sa illegal-gambling ang 625 na katao na nakupiskahan ng kabuuang halaga na P191, 671.00.
Dagdag pa ni PSSUPT Mallonga, sa pagsuko at pagkakahuli ng mga drug personalities sa rehiyon, sa pakikipagtulungan na rin ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno, nabawasan din umano ang aktibidad ng ilegal na droga sa lugar.
Nagbigay din ng knklusyon ang PNP na ang pagbaba ng krimen sa rehiyon ay direktang epekto ng kampanya laban sa droga dahil madalas ang mga krimeng naitatala sa mga nakalipas na taon ay dulot ng shabu at iba pang droga.
Ikaw kasama, ramdam mo na rin ba ang pagbaba ng crime rate sa inyong lugar?