Kris Aquino at dating DILG Secretary Mel Sarmiento, hiwalay na

1148

Kinumpirma ni Kris Aquino na hiwalay na sila ni dating Interior Secretary Mel Sarmiento.

Sa kaniyang Instagram post, ibinahagi ni Kris ang screenshots ng kanilang huling usapan ni Sarmiento kung saan tinanggap nito ang desisyon ng aktres na makipaghiwalay na.

Ayon pa kay Kris, ito na ang huling beses na may mababasa at maririnig ang publiko tungkol kay Sarmiento mula sa kaniya.


Para naman sa dating DILG Secretary, mananatili sa kaniyang puso si Kris habangbuhay at hindi niya makakalimutan ang kanilang mga masasayang pinagsamahan.

Matatandaang noong Oktubre ng nakaraang taon lamang nang ianunsiyo ng dalawa ang kanilang engagement.

Facebook Comments