Kris Aquino, binuweltahan ang basher na poser ni Loisa Andalio

Sa kanyang Instagram post nitong April 24, sinagot ni Kris Aquino ang isang basher na tinawag siyang “insane” at gumamit pa ng fake account.

Nagkomento ang basher gamit ang instagram handle na @iamandalioloisa na: Ms. @krisaquino when was the last time you had a psychiatric check? at nagkomento pa ng “your insane”.

Ni-repost ito ni Kris sa kanyang account at kinondena ang maling grammar pati ang pagpapanggap nito bilang si Loisa.


Pinagkumpara din niya ang pagkakaiba ng official account ni Loisa at ng poser.
Nagkomento naman ang ilang netizens na itigil na lang ang pagpatol sa mga haters ngunit ayon sa 47-year-old host at aktres, ito ang paraan niya upang hindi mamihasa ang mga bashers.

Facebook Comments