Thunders – tinambakan ng Houston sa game 1 ng kanilang bestseven Western Conference Series

NBA – Wagi ang Houston Rockets matapos tambakan ng 31 puntos ang Oklahoma City Thunders sa game 1 ng kanilang first-round playoff series.

Nanguna sa panalo si James Harden na kumamada ng 37 points.

Nabalewala naman ang 22 points ni Rusell Westbrook para maiahon sa 37-points deficit ang Oklahoma.


Sina Harden at Westbrook ay kabilang sa front-runner na nag-aagawan sa MVP award ngayong season.

Samantala, sa Huwebes, gagawin ang game 2 sa teritoryo pa rin ng Houston.

Facebook Comments