Krisis sa kuryente at tubig, nararanasa na sa Venezuela

Milyon-milyong residente na ng Venezuela ang nakakaranas ngayon ng water at power crisis.

 

Kaugnay  nito, nagdeklara na si President Nicolas Maduro ng 30 araw na power rationing habang ilang paaralan na ang isinara dahil sa lumalalang krisis sa ekonomiya ng bansa.

 

Hinala ni Maduro, bahagi ng pananabotahe sa kanyang pamumuno ang serye ng power outages na naranasan simula pa nitong Marso.


 

Naapektuhan ang suplay ng tubig dahil sa hindi gumaganang pumping stations bunsod na rin ng kawalan ng kuryente na nagresulta naman ng hindi paggana ng mga traffic lights, fuel stations at network services.

 

Nagtitiyaga na lamang ang mga residente na makakuha ng tubig sa mga gutter, spring water tank, tanker at guiare river.

Facebook Comments