Manila, Philippines — Sa susunod na linggo, ihahain na ng oposisyon sa Kamara ang kanilang petisyon laban sa ipinatutupad na Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law.
Ayon kay Act Teachers Partylist Representative Antonio Tinio – kabilang sa kukwestiyunin nila ang mga procedural at substantive issue sa batas.
Kabilang rito ang aniya ay “invalid” na pagratipika sa TRAIN dahil sa kakulangan sa quorum.
Sa usapin naman ng substantive issue, tinawag ni Tinio na “regressive” ang nature ng batas dahil tanging mayayaman lang aniya ang makikinabang dito.
December 19 nitong nakaraang taon nang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang TRAIN Law kung saan libre na sa pagbabayad ng buwis ang mga kumikita ng P250,000 kada taon.
Pero kapalit naman nito ang pagtaas sa excise tax rate ng mga produktong petrolyo, sasakyan, sugar-sweetened beverages at sigarilyo.