Kulang sa height at nag hahanap ng mga paraan para tumangkad? Marami ang sa ati’y nag hahangad ng magandang height, at ito ang iilang mga tips para makatulong at ma-achieve ang inyong dream height.
Matulog ng tama sa oras
Sa pagtulog ng 8-10 oras ay nakatutulong sa pag develop ng pangangatawan.. Habang natutulog ang ating katawan ay nag pro-produce ng growth hormone sa pituitary gland at siyang gumagawa ng paraan para sa iyong height.
Kumain ng healthy na pagkain
Maging masinop sa ating kinakain at iwasan ang mga pagkain na nakakasama sa katawan na maaaring magdulot ng pag udlot ng paglaki ng height. Kumain ng healthy na pagkain para umayos ang metabolism ng katawan na nagbibigay tulong din para sa pag papatangkad ng height.
Uminom ng maraming tubig
Ang tubig ay nakatutulong sa pag alis ng toxins sa katawan at pag inom ng tubig araw araw ay nagbibigay good growth para sa ating ina-achieve na tangkad.
Ugaliin ang magandang posture
Isa pang tip para ma achieve ang dream height ay ugaliin nasa tamang posture ang pangangatawan upang maiwasan ang pag baluktot ng katawan.
Magehersisyo regularly
Ang pag eehersisyo ng regular ay nakatutulong din sa katawan at buto upang ito ma develop at patuloy na mag grow. Ang Yoga din ay effective na ehersisyo para pampa tangkad.
Ito lamang ay iilan sa marami pang pamamaraan para ma achieve ang iyong dream height. Alagaan lang ang sarili at iwasan ang mga bagay na maaaring makahadlang sa paglaki.
Article written by Andy Canonoy