KULONG! | Barangay tanod na wanted sa kasong iligal na droga, nadakip sa San Andres, Maynila

75

Manila, Philippines – Nadakip na ng mga pulis ang isang barangay tanod na wanted sa kaso ng iligal na droga sa San Andres, Maynila.

Nakilala ang suspek na si Guillermo Busano, 38-anyos, tanod ng Barangay 774 Zone 84 District 5 sa Maynila.


Sa ulat, inaresto ng mga tauhan ng Sta. Ana Police Station ang suspek habang naka-duty ito sa kanto ng Onyx Street at Sagrada Familia Street.

Kusa naman sumama ang suspek sa mga otoridad kung saan una nitong inakala na tapos na at hindi na umuusad pa sa korte ang kaniyang kaso.

Facebook Comments