KULONG! | Dating kapitan, kalaboso matapos makatakas sa isinagawang raid

13

Butuan City – Arestado ang isang dating kapitan ang Barangay New Society Village sa Butuan City na papaalis na sana patungong Maynila.

Nakilala ang nadakip na si Marco Banuon Imam, 47-anyos.

Sa ulat, nasakote ang suspek habang naghihintay ito ng flight sa Laguindingan Airport ng Cagayan de Oro City.

Sinasabing tumakas ang dating kapitan sa isinagawang raid sa kanyang bahay kung saan narekober dito ang mga iligal na droga.

Facebook Comments