HULI SA AKTO | Isang lalaki, huli sa pagbebenta ng marijuana

4

General Santos City – Arestado ang isang lalaki matapos na mahuli sa aktong nagbebenta ng marijuana sa General Santos City.

Nakilala ang nadakip na si Nicko Fabian na aminadong gumagamit din ng marijuana.

Modus ng suspek na ibalot sa candy wrapper ang marijuana saka nito ibebenta sa halagang P500.00.

Natiyempuhan ito ng mga otoridad ang pagbebenta nito kung saan iginiit ng suspek na ipina-deliver lang sa kaniya ang nasabing iligal na droga.

Facebook Comments