NANLABAN | Drug suspek, patay matapos makipagbarilan sa mga pulis

53

Malolos City – Patay ang isang drug suspek matapos manlaban sa mga pulis sa Malolos City, Bulacan.

Dead on the spot ang suspek na si Dennis Santos na number 1 sa watchlist ng Barangay Santisima Trinidad.

Nagsagawaa ng buy busy operation ang mga pulis kasama ang PDEA sa nabanggit na barangay kung saan nakatunog si Santos na pulis ang katransaksyon kaya at bumunot ito ng kalibre 38 na baril at pinaputukan ang mga otoridad.

Nagtago pa ito sa kanyang kwarto pero nasundan siya hanggang sa napatay.

Bukod sa baril na-recover mula sa suspek ang 15 pakete ng shabu na nagkakahalaga ng P40,000.00.

Bukod sa pagiging pusher, sangkot din ang suspek sa serye ng holdapan sa nasabing lugar.

Facebook Comments