KULONG! | Isang miyembro ng Abu Sayyaf Group, arestado sa Jolo, Sulu

Sulu – Arestado ang isang miyembro ng Abu Sayyaf group sa Serrantes Street, Barangay Walled City, Jolo, Sulu.

Nakilala ang nadakip na si Hashim Abtaib na mas kilala sa alyas na Abu Imam.

Ayon kay Police Chief Superintendent Graciano Mijares, Regional Director ng PRO-ARMM, nag tulong-tulong ang mga otoridad para agad na madakip si Abtaib matapos makumpirmang nagpupunta ito sa nasabing barangay.


Nakatakda naman i-turn over si Abtaib sa Camp Batalla para isailalim sa imbestigasyon.

Facebook Comments