NBA | Cleveland Cavaliers, panalo kontra Boston Celtics; 116-86

Cleveland- Kumpiyansa ngayon ang Cleveland Cavaliers matapos na manalo sa game 3 ng eastern conference finals sa NBA.

Tinambakan ng Cavs ang Boston Celtics sa score na 116-86.

Pinangunahan ni Lebron James ang Cleveland na 27 point at 12 assists habang nag-ambag naman ng 14 points si Kyle Korver at Kevin Love na may 13 points at 14 rebounds.


Dahil sa panalo, desidido ang Cavs na maitabla ang serye sa game 4 kung saan gaganapin pa din ang laban sa mismong homecourt nila sa darating na Martes, 8:30 ng umaga.

Facebook Comments