KULONG | Tatlong bugaw, arestado sa Makati City

Makati City – Arestado ang tatlong bugaw na nag-alok ng mga babae at mga menor de edad sa mga foreigner sa P. Burgos Street, Makati City.

Nakilala ang mga suspek sa mga alyas na Yolanda, Claudine at live in partner nito na si Alojino.

Nabatid na nasa iisang kwarto lamang ng hotel magkakamsa ang mga babae at mga menor de edad kung saan ino-offfer ng mag-live in partner ang mga ito sa mga foreigner.


Bukod dito, may tatlong mga Moroccan na babae din ang kanilang ibinebenta sa mga Pinoy sa mas mataaas na halaga.

Kasalukuyan nanakulong ang mga suspek habang ang mga babaeng ibinubugaw ng mga ito ay isinasailima sa proseso para pauwiin sa kani-kanilang porbinsiya kung saan ang mga Moroccan Nationals ay nasa ipapa-deport sa kanilang bansa.

Facebook Comments