Kumalat na pekeng DepEd memo hinggil sa dalawang linggong pahinga ng mga guro para sa ‘Teachers’ Day Month, pinaiimbestigahan na

Pina-iimbestigahan na ng Department of Education (DepEd) ang kumakalat na pekeng DepEd memorandum sa online hinggil sa sinasabing dalawang linggong pahinga ng mga guro, para sa pagdiriwang ng ‘Teachers’ Day Month.’

Ayon sa DepEd, malisyoso ang paggamit ng issuance template ng departamento.

Pinaalalahanan din ng DepEd ang publiko na manatiling vigilante laban sa anumang uri ng misinformation.


Una nang kumalat ang pekeng memo na may petsang September 8, 2023 kung saan nakasaad dito na bilang pagdiriwang sa Teachers’ Day Month at pagkilala sa papel ng mga guro sa paghubog ng kinabukasan ng bansa, ay pagkakalooban sila ng dalawang linggong araw ng pahinga.

Facebook Comments