Kumalat na video ng panghaharass di umano ng mga pulis sa isang lalaki sa Dagupan City, pinabulaanan

Pinabulaanan ng PNP Dagupan ang nagtrending na video ng di umano’y panghaharass ng tatlong kapulisan sa isang lalaki na hinuli noong araw ng Biyernes, September 20, 2019 sa perez Boulevard Pogo Chico Dagupan City.
Sa panayam ng Ifm Dagupan kay PLT. COL Abubacar Mangelen Jr. , Dagupan City Police Chief, buy bust operation umano ang nangyari at drug suspect ang hinuli ng mga kapulisan.
Kinilala ang suspek na si Nordenielle Riego, 18 anyos at residente ng Careenan St. Poblacion Oeste. Nahuli ang biktima noong nakaraang taon at napalaya ngunit bumalik sa dating Gawain.
Hindi umano totoong nilagyan ito ng droga sa bulsa dahil matagal ng minamanmanan ang suspek na supplier ng marijuana sa mga foreigner sa siyudad at maging ginagawa ang pagbebenta online.
Nakuha sa suspek ang tatlong sachet ng hinihinalang dahon ng marijuana at buy bust money.
Humingi naman na ng tawad ang nag-upload ng video na si Christian Camacho at inamin ang pagkakamali nito sa maling impormasyon na naipost sa kaniyang social media account.

Facebook Comments