KUMPIRMADO | Justin Brownlee – balik PBA para tulungan ang Ginebra

Manila, Philippines – Kumpirmado ang pagbabalik-PBA ng two-time champion na si Justin Brownlee.

Ayon kay Barangay Ginebra Coach Tim Cone – papalitan ni Brownlee ang import na si Chuck Garcia.

Agad umanong sasabak sa practice si Brownlee bilang paghahanda sa laban ng Ginebra kontra Meralco sa June 1.


Matatandaang si Brownlee ang nanguna sa Ginebra para masungkit ang back-to-back championship nito sa Governor’s Cup.

Sa ngayon, nasa alanganin ang record ng Gins bitbit ang 1-3 kartada bago ang all-star break.

Ikinalungkot din naman daw ni Cone ang pagpapakawala kay Garcia na nagtala ng 17.75 points at 10.25 rebounds per game.

Facebook Comments