ITINANGHAL | Ed Sheeran – big winner sa 2018 Billboard Music Awards

Itinanghal na big winner sa katatapos lang na 2018 Billboard Music Awards sa Las Vegas ang British star na si Ed sheeran.

Kabilang sa mga nasungkit ng “Thinking Out Loud” hitmaker ang pagiging top artist, top male artist, top hot 100 artist, top song sales artist at top radio songs artist.

Wagi naman ng top R&B tour, top R&B album at top R&B male artist ang half pinoy Grammy award singer na si Bruno Mars.


Top female artist si Taylor Swift, Jay-z bilang top rap tour at ang Chainsmokers para sa top dance/ electronic artist.

Noong isang taon, ang Canadian rapper na si Drake ang itinanghal na big winner bitbit ang 13 parangal na mas mataas ng isa sa 12 napanalunan ng english pop diva na si Adelle noong 2012.

Facebook Comments