KUMPIRMADO | PNP Chief Ronald dela Rosa, binigyan na ni Pangulong Duterte ng ibang posiyon sa gobyerno

Manila, Philippines – Kinumpirma ni PNP Chief Ronald dela Rosa na inalok siya ni Pangulong Rodrigo Duterte ng ibang posisyon sa gobyerno.

Ito’y kasabay ng napipinto niyang retirement sa Enero ng susunod na taon.

Ayon kay dela Rosa – kinausap siya ng pangulo kaugnay sa kanyang pagreretiro.


Sa ngayon, hindi pa tinukoy ni Bato kung saang ahensya siya mapupunta.

Facebook Comments