KUMPISKADO | 47 kilo ng isda na hinuli sa pamamagitan ng pagdidinamita, nakumpiska sa Albay

Albay – Nakumpiska ng mga otoridad ang nasa 47 kilo ng isda na hinuli sa pamamagitan ng pagdidinamita sa Tabaco City, Albay.

Nabatid na nagpositibo sa dynamite blast ang fish sample na kinuha mula rito kung saan isang concerned citizen ang siyang nagpa-abot ng impormasyon sa mga otoridad.

Sinasabing ide-deliver sana ang mga isda sa isang negosyante sa Tabaco City matapos itong ibagsak sa San Roque Fish Port.

Mula pa ang naturang mga isda sa San Miguel Island pero ilang oras na ang lumipas ay wala namang sumalubong at umangkin sa shipment.

Facebook Comments