KALABOSO | Lalaki, arestado matapos mahulihan ng mga pekeng sigarilyo sa Sorsogon City

Sorsogon City – Arestado ang isang lalaki matapos mahulihan ng malalaking kahon ng mga pekeng sigarilyo sa Barangay Pangpang, Sorsogon City.

Nakilala ang nadakip na si Osama Diora Madid, 38-anyos na residente ng Barangay Balogo ng nasabing lungsod.

Nakumpiska mula sa suspek ang 14 na kahon ng sigarilyo na nakalagay sa tricycle ngunit wala naman itong maipresentang kaukulang dokumento para sa legal na pag-transport.


Tinatayang aabot sa humigit-kumulang P210,000 ang kabuuang halaga ng mga sigarilyo kung saan napag-alaman na mula pa sa Leyte ang supplier ng suspek at kaniyang ipinagbibili ang mga yosi sa mga liblib na lugar sa Casiguran, Juban, Magallanes, Bulan at iba pang mga bayan.

Facebook Comments