KUMPISKADO | Kilo-kilong shabu, nasabat sa isang dayuhan sa Maynila

Manila, Philippines – Nasa anim na kilo ng shabu ang nasabat sa Binondo, Maynila.

Sa inisyal na ulat mula kay NCRPO Chief Superintendent Guillermo Eleazar, nakuha ang kilo-kilong shabu sa isang dayuhan na nasita ng mga pulis sa bahagi ng Tomas Mapua.

Unang nakuha sa pag-iingat ng suspek ang mga bala ng baril hanggang sa nadiskubre rin ang mga shabu.


Nagsasagawa na ng imbentaryo ang mga otoridad para malaman ang kabuuang halaga ng iligal na droga.

Facebook Comments