SUMUKO | 3 miyembro ng drug group, sumuko sa Basilan

59

Basilan – Sumuko sa mga otoridad ang tatlong miyembro ng tinagurinag “tatlong hari drug group” sa Basilan habang isa pa nilang kasamahan ang sunod na naaresto.

Kinilala ang tatlong sumuko na sina Abdurachman Akmad, Astal Dalih at Gimal Aharul.

Isinuko din ng mga ito ang dalawang unit ng M16 rifle, isang US carbine rifle, magazine at maraming mga bala.

Naaresto naman ang isa pa nilang kasamahan na si Nane Radzkumar Ismael habang papatakas ito sa kaniyang bahay.

Narekober sa kanya ang isang M16 rifle na may magazine at mga bala, hand grenade, isang commercial handheld radio at maraming mga identification card.

Facebook Comments