KUMPIYANSA | BSP, tiwalang hihina ang inflation pagdating ng 2019

60

Manila, Philippines – Tiwala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na babalik na sa normal ang inflation rate ng bansa sa pagpasok ng 2019.

Ayon sa BSP, babalik sa nilalayong antas ang inflation sa 2019 at mananatili sa mahigit 3.0 percent plus 1.0 percentage point target.


Anila, inaasahan na ang pagbalik sa normal ng inflation dahil sa implementasyon ng mga non-monetary measure partikular ang pag-apruba ng rice tariffication at dagdag na importasyon ng bigas at iba pang produktong pagkain.

Tiniyak naman ng BSP na gagawin nila ang lahat para mapababa ang inflation at mapatatag ang presyo ng mga bilihin sa bansa.

Facebook Comments

From Advertisers