SISIGURADUHIN | DTI, tiniyak na bahagya lamang maapektuhan ng inflation ang mga Noche Buena products

51

Manila, Philippines – Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na hindi gaanong apektado ng inflation ang Noche Buena items

Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, nasa tatlo hanggang walong porsyento lang ang magiging epekto ang inflation sa presyo ng Noche Buena items.

Katumbas lang aniya ito ng dalawanpung sentimo hanggang pisong pagtaas sa presyo.

Nilinaw naman ni Castelo na hindi lahat ng produkto ay magtaas ang presyo.

Aniya, hindi naman kasi lahat ng produkto ay ginawa sa panahong tumataas ang inflation.

Matatandaang naabot na ang peak ng inflation sa bansa matapos itong pumalo sa 9-year high na 6.7 percent para sa buwan ng Setyembre.

Inaasahan namang maglalabas ng bagong suggested retail price o SRP ang dti sa Nobyembre 15.

Facebook Comments