Para kay Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, dapat i-refund o ibalik ng Local Government Units (LGUs) ang mga binayarang multa ng mga motorista na nagkaroon ng paglabag sa ilalim ng No Contact Apprehension Policy (NCAP).
Giit ito ni Barbers, sakaling lumabas na unconstitutional o labag sa konstitusyon at iligal ang pagpapatupad ng NCAP.
Nilinaw naman ni Barbers na hindi sya kontra sa NCAP pero dapat munang maresolba ang lahat ng isyu o reklamo laban dito na lumalatay sa karapatan ng mga motorista.
Pangunahing binanggit ni Barbers ang sobrang laki o hindi makatwirang multa bukod sa hindi rin suportado ng batas ang pagbabawal nito na mairehistro ang mga sasakyan na may paglabag sa batas trapiko.
Facebook Comments