Inisyal na pinsala ng Bagyong Florita sa sektor ng agrikultura sa Ilocos Norte, umabot sa P3.6-M

68

Umabot sa P3.6 million ang inisyal na pinsalang naitala sa sektor ng agrikultura sa Ilocos Norte.

Maliban dito, sinabi ni PDRRMO head Marcell Tabije na ilang infrastructure projects din sa probinsya ang sinira ng bagyo.

Kabilang dito ang tulay sa Purok Riverside sa Pinili, Ilocos Norte at ang detour ng ginagawa ring tulay sa bayan ng San Nicolas.


Samantala, bumubuti na rin ang panahon ngayon sa probinsya.

Bagama’t makulimlim ay wala na silang nararanasang pag-ulan.

Nadaraanan na rin ang lahat ng kalsada sa Ilocos Norte at nakauwi nasa kanilang mga tahanan ang lahat ng evacuees.



Facebook Comments