Mahigit 4,000 indibidwal, apektado ng Bagyong Florita – NDRRMC

44

Umaabot na sa 1,344 pamilya o katumbas ng 4,646 na idibidwal ang naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Florita.

Ito’y batay sa latest report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Ang mga apektadong residente ay mula sa Region 1, Region 2 at Cordillera Administrative Region.


Nasa 311 pamilya ang pansamantalang nanunuluyan sa 19 na evacuation center mula sa 60 barangay na apektado.

Habang ang nasa halos 200 pamilya naman ay mas piniling manuluyan muna sa kani-kanilang mga kamag-anak.

Facebook Comments