Target ng Department of Energy (DOE) na maibalik ang kuryente sa Catanduanes bago sumapit ang Pasko.
Ayon kay Energy Undersecretary Felix William Fuentebella, nagsimula na silang magsagawa ng assessment sa pinsalang iniwan ng Bagyong Rolly sa power infrastructure, pagbili ng mga supplies at pag-deploy ng mga teams na makatutulong na maibalik ang supply ng kuryente sa calamity area.
Sinabi ni Fuentebella, na ipaprayoridad ang pagbabalik ng supply ng kuryente sa mga ospital at iba pang mahahalagang pasilidad at establisyimento.
Pagtitiyak naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa mga residente ng Catanduanes na hindi nila mararanasan ang dalawang buwang walang kuryente.
Sisikapin ng gobyerno ang unti-unting pagbabalik ng elektrisidad sa lalawigan.
Ang DOE ay makikipagpulong sa First Catanduanes Electric Cooperative para maresobla ang power situation.